//
you're reading...
Self Help

That Thing Called Tadhana: T*****a Tadhana

There are all kinds of love in this world but never the same love twice.

F. Scott Fitzgerald

May hugot ang linya ni Scott!

Ni hindi ko pinlano na manunuod ako ng sine lalo na sa oras ng trabaho. Pero I guess, that was my ‘tadhana’ today. Nagrereklamo pa ako kanina mula ng pumasok ako sa opisina na wala akong pera pang-kain. Pero nang magkayayaan na, lumabas ang isang libo! at ako pa ang nagpahiram sa mga kasama ko ng pambili nila ng ticket! Again, ‘tadhana’

Maganda yung palabas. Mahusay. Makatotohanan. Kapupulutan ng aral! May sense! Hindi sayang ang oras at pera ko. Magaan sa pakiramdam ang mga eksena. Natural ang arte ng mga karakter..at pogi si JM de Guzman (sana nga lang medyo pinakita ng matagal ang abs – abangan natin!). Hindi ko ikekwento sa blog na ito ang nangyari sa pelikula. Mas magandang panuorin nyo sa sinehan. Hindi rin kasi ako magaling na storyteller.

At dahil sinabi ko na kapupulutan ng aral ang palabas, hayaan nyo akong ilahad ang mga natutunan ko sa palabas na This Thing Called That:

  1. Kailangan mo munang mawasak sa pag-ibig. Ito ang magiging inspirasyon mo para makagawa ka ng mga ekstraordinaryong bagay!  Nabasa ko lang sa isang artikulo na may pinag-hugutan yung film maker kaya naggawa yung pelikula (Antoinette Jadaone). Parang mala-Sam Smith lang, nawasak muna tapos naging hit ang kanta! Ika nga ni Antoinette..

    “Kapag nagmahal ka, nasaktan ka, pakinabangan mo na. Kasi sinaktan ka lang niya hindi ka niya pinatay,” 

  2. Ang matamis na buhay na iyong inaasam ay hindi mo kailangang iasa sa bahala na at ‘tadhanang’ sinasabi nila. Kung may gusto kang bagay, tao, o pangyayari na magganap sa buhay mo, kumilos ka! Hindi bukas, kundi ‘now na!’ Sipag at tyaga (na may kasamang swerte) – ang perfect combo para ma-achieve ang goal mo. Kung aasa ka lang sa swerte, maliit ang tsansa mo kapatid. Huwag mabuhay sa mga katagang ‘sayang, sana ginawa ko …’ Umaksyon ura urada ng may baong kapal ng mukha — walang mawawala kung iyong susubukan.
  3. Hindi masamang humingi ng tulong paminsan-minsan, lalo na kung nahihirapan ka talaga.  Ang eksena ng pelikula.. Tinanong ni Anthony (JM) si Mase (Angelica) kung nahihirapan ba sya mga bagahe nya habang patawid sila sa overpass. Inalok ng tulong pero tinanggihan. Kaya naman daw, pero mabagal. Resulta.. syempre pagod si Mace-dalawang malaking maleta ba naman! Isa pang karagdagang aral, syempre, magpasalamat ka kapag tinulungan ka.
  4. Ang pagmamahal na iyong ibinahagi sa iba ay kusang ibabalik sa’yo. Naniniwala ako doon sa linya ni Anthony na ang love (overwhelming love ni Mase) ay imposibleng walang pupuntahan. ‘May mababalik sayong pagmamahal. Not necessarily sa taong pinagbigyan mo, pero sigurado ako, mababalik ‘yan sa’yo.’  May hugot na aral ng buhay. Naniniwala akong totoo ito.
  5. Kung may problema ka at wasak, humanap ka ng kausap. Sa totoong buhay, medyo weird at delikado na makikipag-usap ka at sasama sa isang taong hindi mo kilala. Pero on the bright side, sakaling mapatapat ka sa isang mala-Anthony na stranger (pogi at mukhang maamong tupa), magandang magbahagi ng wasak stories sa mga ganoong hindi mo kilala. Less  judgement dahil hindi ka rin naman nya kilala as a person, at bonus, may instant kaibigan ka na. FC. hehe

Magandang isipin na kahit paano, may mga ganitong klaseng pelikula pa tayo–alam mong may sense, may laman, may ibig sabihn. Sa panahong ito kasi, minsan, makagawa lang ng pelikula alang-alang sa pera. Walang laman iyong iba, puro endorsement, at alam mo na ang ending.

Sana mas dumami pa ang mga ganitong klase ng pelikula. Mabuhay ang mga Indie Films! (at ang abs ni JM na ating aabangan)

Advertisements

About crlmanalo

Made in the Philippines since 1990

Discussion

Trackbacks/Pingbacks

  1. Pingback: That Thing Called Tadhana: T*****a Tadhana | crlmanalo: Golden Island Seniorita - 11/02/2015

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: